Sitwasyong Pangwika sa Radyo At Dyaryo

 Ano ang Sitwasyong Pangwika?
            Ayon kay Jomar I. Empaynado isang propesor at manunulat, ang sitwasyong pangwika ay anumang panlipunang penomenal sa paggamit at paghulma ng wika.
            Ayon naman kay Ryan Atezora ang sitwasyong pangwika ay tumutukoy sa kung anong wika ang ginagamit sa ibat ibang sektor ng lipunan at istatus ng pagkakagamit nito.

May iba't-ibang Sitwasyong pangwika sa Pilipinas.
Ito ay ang mga:
1. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
2. Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
3. Sitwasyong Pangwika sa Radyo
4. Sitwasyong Pangwika sa Dyaryo
5. Sitwasyong Pangwika sa Text

Iba pang Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas:
1. Fliptop
2. Pick up lines
3. Hugot lines
4. Famous line sa Pelikula

Sitwasyong Pangwika sa Radyo At Dyaryo  
  • Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.
  • Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap.
  •  Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid.
  •  Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito.

Alam naman natin na patuloy ang pag-unlad ng teknolohiya. Dahil sa pag-unlad nito ay mabilis na natin nalalaman ang mga nangyayari sa ating paligid. Ngunit ang pag-unlad nito ay maraming ding epekto, katulad na lamang na hindi na masyadong nagagamit ang mga Radyo at Dyaryo. Kaya naman Nagsagawa kami ng survey patungkol dito. Ang layunin ng aming survey ay upang malaman ang dami ng mga tao na gumagamit ng radyo at dyaryo, ang mga dahilan kung bakit sila gumagamit nito, at ang kanilang mga personal na pagpapahalaga sa dalawang media na ito. Sa pamamagitan ng aming survey, nais namin na malaman kung paano nakakaapekto ang radyo at dyaryo sa mga tao sa kanilang buhay, at upang malaman ang kanilang personal na pagpapahalaga sa dalawang media na ito.

Panoorin dito:

 https://drive.google.com/drive/folders/1HHFBQjyE_7J1ta_ibUgLXHarquKCUsgo
 https://fb.watch/im12-r0TB4/

Comments